Tuesday, July 6, 2010
MAY HIKAW KA BA?
Pare, may hikaw ka ba? bakit ka naghikaw? kung wala ka pa at balak mo palang. Alamin mo muna na marami palang sinisimbolo at tinutukoy ang mga lalakeng nagsusuot nito.
Anila, ayon sa nabasa ko sa isang internet forum “according to Gary V (700 Club Asia) sa gay community a guy with one earing meant that he is “taken” by another guy.”
E paano kung dalawang tenga? ibig sabihin dalawa lalake nya? haha
Pero yung kanang tenga lang naman ang tinutukoy doon sa taas mga parekoy. Pero kung sa kaliwang tenga naman daw ay astigin ito (o staight guy).
Bukod doon, karamihan naman sa nakikita at napapagtanungan ko “kung bakit sila nagbutas ng tenga” ay para lang mag-express ng sarili nila. O sa ibang banda trip lang -walang kahulugan.
10 buwan na ang nakakalipas, nagawa ko din magbutas ng tenga pare. (ngak ibig sabihin bakla ako jokeness!) at ngayon ay napagpasyahan ko ng tanggalin ang metal sa butas nito.
Naalala ko kasi yung naging sitwasyon ng isang kakilala ko. Magdodonate (daw) sana sya ng dugo sa isang blood letting activity sa school nila ang kaso, dahil nga may butas s’ya sa tenga hindi siya nakapag bigay ng dugo. tsk tsk
Naisip ko lang, paano kung nagkataong nangailangan ang isa sa mga kapamilya ko ng dugo at isa ako sa maaring makapagbigay nito? gustuhin ko man o hindi ay hindi ko pala ito magagawa
Pero hindi pa naman huli ang lahat, puwede ka pa namang makapag bigay ng dugo matapos ang anim na buwan na hindi pagsusuot ng hikaw.
Pero may mas malalim na kahulugan para sa akin ang pagkakaroon ng artipisyal na butas ng tenga. Nakakatawa nga e, hindi pa ako nakontento sa iisang butas sa kaliwa kong tenga at dinalawa ko pa ito mga 'pre.
Pero dahil sa pamamaga ng isang butas nito, nakontento na lang ako sa isa. At least nakakapaghikaw pa rin ako.
Dulot iyon ng labis ng kalungkutan at sakit na nararamdam buhat noong nagkahiwalay kami ng isang importanteng tao. Sabi ko nga noon “lagi na lang puso ang nasasaktan, napaka-unfair para sa ibang parte ng katawan ko” kaya nagawa ko ngang saktan ang tenga ko.
Ang emo no?
Pero minsan, kapag nagsasalamin ako o kaya’y nagsasabon ng tenga sa paliligo lagi ko itong nakikita at nararamdam at sa tuwing naaalala ko kung bakit ko nagawa yun, syempre naaalala ko rin ang taong iyon.
Hindi pa ako masyadong nakakalimot, pero ayoko namang madaliin. Naniniwala kasi akong kapag lalo mo itong niwaksi lalo mo itong hindi malilimutan.
Siguro oras na talaga para unti-unti ko ng kalimutan ang mga bagay na nakasakit sakin.
Sa totoo lang, tulad ng ginawa kong pananakit sa sarili ko sa pamamagitan ng pagbutas sa tenga ko, sarili ko lang din pala ang nananikit sa sarili ko sa hindi paglimot sa kanya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
oy parekoy, kilala kita kahit hindi ka magpakilala. :)
nice new blog. haha. akala ko kwentong inuman, pero hindi mo pa din maiwasan ang ka-emohan. hehehe. :)
loko ka nanahimik na ako waaaaaaaaaaaaaaaaa... wala na akong masabi sayo. haha
Post a Comment