Wednesday, July 7, 2010

ATM - Ang Topak na Metrobank


Paiba-iba na ang pirma ko mga 'pre, at dahil nga laging naka-tseke ang suweldo ko madalas mapagkamalan akong nagwiwidraw ng hindi ko pera.

Hindi ko maintindihan kong sanhi lang ba ito ng pagiging pasmado ng kamay ko o baka trip ko lang talagang maging iba-iba ang pirma ko (para unique)

Kaya ayun! napagpasyahan ko ng mag request sa accounting namin ng ATM para sa payroll ko.
Matapos naman ang napakaraming buwan napagbigyan naman nila ako.

At nakakatuwa! sa sobrang tuwa ko, parang ayaw ko ng kumuha pa ng ATM dahil napakalayo nito. Nasa Maynila ang opisina namin at ang branch ng banko na pupuntahan ko ay sa ParaƱaque pa.

Wala naman akong magawa dahil doon daw naka rehistro ang kumpanyang pinagtatrabahuhan ko.

Mapalad naman akong nakaligtas sa traffic sa kahabaan ng dulo ng Roxas Boulevard yung malapit na sa Coastal road.

Pumasok ako sa Banko nila at doon naupo ako.. Dahil mukha akong uhuging bata at hindi mukhang magiimpok ng milyong halaga para sa ikaaangat ng banko nila, hindi din ganoon kaganda ang pakikitungo nila sa akin. Yung tipong "upo ka muna d'yan tapusin ko lang ginagawa ko (sa isip isip ko) " noong matagal na akong nakaupo doon at para bang naghihintay sa pagpatak ng tubig mula sa puso ng saging doon nila ako tinanong "ano sa inyo?"

"papagawa ko po ng ATM para sa payroll"

"anong company?"

" @chuChu po"

"may dala kang letter?"

"meron po" (sabay bigay)

tuloy sa kinakalkal ng mga papel...

buklat dito... tayo dito... tanong sa ibang officemates nya...

Noong napansin n'yang may kailangan pala ako sa kanya..

sabay kuha ng pi-fill-apan ko.

Natapos ako at muling binalik sa kanya...

1 minute.... 2 minutes.... 3 minutes... 6.... (nakakantok ang bagal ng sistema)

ayun! sabay hiningian ako ng P100.00 (hindi pa ako nabigyan ng resibo)

taena! titignan lang pala sabay balikan ko na lang daw after 4 working days ang tagal tagal pa! (ata dahil may holiday pa iyon nadagdagan pa ang araw ng paghihintay) halos kulang-kulang isang oras din ako nag stay sa bangko nila.

****

after one week

Binalikan ko na ang ATM ko.

tandang tanda ko pa na 11:20 ako pumasok sa banko nila.

Nakangiti akong pumasok at umupo doon sa dati kong binigyan ng mga requirements ko.

hintay ako.... (ganoon pa rin s'ya sa dati nyang aktong tingin ng tingin sa papel) Kung makakapunta ko doon, siya yung unang lalakeng naka polo barong na makikita mo pagpasok ng pinto na nakatapat sa wall clock nila.

mga 3 minutes uli ang nakalipas ng tinanong ako kung anong kailangan ko.

"ano sa inyo?" parang nagtatanong lang sa loob ng tindahan.

"kukuha po ako ng ATM"

"ay hindi dito doon kay Ma'am .." (nakalimutan ko ang pangalan) sabay turo..

as if naman na kilala ko mga tao doon mga parekoy para magbanggit sya ng pangalan.

noong matanto ko kung sino ang tinutukoy n'ya tumayo ako sa harapan ng table nya. At dahil magalang naman akong tao hindi ako nagsalita dahil may kausap s'ya at nagbibilang siya ng pera.

sampung minuto din yata akong nakatayo sa harap nya at hindi nya ako pinapansin kaya naghanap ako ng mauupuan dahil wala naman nag-aalok sakin.

"excuse me, puwede pong maki-upo" sabi ko sa katabing cubicle ng pakay ko.
"sure" ika nya, akala ko tatanungin ako kung anong kailan ko pero deadma.

haaaaaaaaay.. hindi ko na mabilang kung ilang minuto ang hinintay ko para mawalan ng kausap ang taong pakay ko.

Noong nawalan na ng tao, tumayo ako "excuse me po.. mag rerelease po ako ng ATM"

"huh?" hindi nya ako maintindihan. Hindi ko alam kung matanda lang talagang babae kausap ko o nabibinge lang.

"anong release? tumawag ka na ba dito bago ka pumunta? (blah... blah..)"

Ako naman si paliwag "dito po ako pinapunta nung lalake (sabay turo)... galing na ako dito last week."

"ahhh.. mag ki-claim! sabi mo kasi release.. ako ang magre-release ikaw ang mag ki-claim" sobrang sagwa talaga ng tono nya yung tipong pakiramdam nya ang bobo ng kausap nya.

"sorry ha! tanga kasi ako, talino mo kasi e no!(sabi ko na lang sa sarili ko)"

"kanina pa kita nakikitang nakatayo diyan, hindi ka nagsasalita" sabi nya.

kinausap ko uli sarili ko "sorry ha! kanina mo pala ako nakikita hindi mo naman ako inaproach!"

pakiramdam ko nga kung mainit lang ulo ko baka hindi na ako nakapagpigil at may nasabi na akong hindi maganda.

Ang panget kasi ng sistema ng banko nila: kung hindi magsasalita ang isang kliyente hindi nila ito ia-approach.. napaka poor talaga ng service nila.

Sa sobrang tagal ng sistema nila, pati pala sa banko may palakasan...

May pumasok na babae mukhang negosyante dahil kilala na nya ang mga tao sa loob. Naglabas sya ng maraming tseke.. Alam nyo ba ang ginawa? binigay lang sa isang lalakeng may kurbata (simpleng kamustahan) at matapos noon yung lalakeng iyon ay pumasok doon sa mga teller sabay lumabas..

Naisip ko lang, madaming taong nakaupo at nag-aabang na matawag ang numero nila samantalang may iilan na derecho agad sa teller.

Marami na akong napasukang banko pero hindi naman ganoon kagarapal, napaka unfair sa mga pumipila.

At dahil marami nga rin akong napasukang banko para mag open ng account hindi naman gannon ang sistema nila. Kung sa BIP nga 30 minutes lang basta kumpleto ang requirements mo may account ka na agad at ATM. e sa MetroBank? kulang kulang isang linggo at oras-oras ang gugugulin mo makakula lang ng ATM.

Kung hindi nga lang talaga sa payroll kong ito hindi ko talaga pipiliin ang bangkong ito..

Doon ko napatunay na tila sa isang gobyerno din pala itong bankong ito.. kumbaga sa NSO napakaraming windows ka pang dapat pagdaanan bago makakuha ng Birth Certificate. Sa kanila naman napakarami mo pang table na uupuan para makuha ang ATM mo. (tatlo to be exact)

Kung tutuuisn maayos pa nga ang NSO isang araw lang makukuha mo na ang Birth Certificate mo, e sa kanila?

Hindi ko ito sinulat para manira sa panget nilang serbisyo, sinulat ko 'to ayon sa karanasan ko, at tsaka malay mo mabasa nila ito at i-improve nila service nila.. hindi lang pala sa serbisyo ganoon na din sa pakikitungo ng staff nila.

At dahil hindi ko naman gene-generalized ang kabuuan ng MetroBank okay lang siguro kung sabihin kong sa BAYVIEW branch ito.

Siguro ang aral lang dito, hindi ko nagawang ipakita sa kanila ang inis ko at hindi ko nagawang mambastos -timpi ikaw nga.

No comments: